Skip to main content


eto na ang pagkakataon
di kailangan hintayin ang bagong taon

ngayon
at ngayon din
sa takdang araw na ito
simulan na ang mga pagbabago

nasa iyo ang lakas
simulan ang pag-aklas

humakbang palayo
mula sa mga bisyong
napakasarap pagkaabalahan

ang pagtambayan
na walang hanggang

ang mga tsimisang
walang nahahantungan

humakbang palayo mula
sa iyong matinding pagkagalit
sa iyong walang pagmamalasakit

simulan na ang pag-aklas
simulan na ang personal na rebulosyon
nasa iyo ang lakas
nasa iyo ang solusyon

ngayon
at ngayon din
humakbang palayo
sa mga bagay-bagay
na wala namang saysay

nasa iyo ang lakas
upang mapalapit
sa matamis na tagumpay
sa minimithing mas magandang buhay.


Above are the words that were supposed to be in a TV commercial, but my boss didn’t go for it. I remembered them after seeing all the things that happened today, after remembering all the things that happened 20 years ago.